FANDOM

Welcome to Recipes and Cooking Answers. What would you like to know?

Ingredients:

Santol

Asukal

Hugas-bigas

Tubig


Cooking Instructions:

Magpakulo ng tubig at ihulog dito ang mga santol. Pakuluin ng 3 minuto at hanguin. Itubog sa tubig na malamig. Talupan. Hiwa-hiwain o ukit-ukitan ng mga dibuho kung nais na matamisin ng buo. Alisan ng mga buto.

Ibabad ang mga santol sa hugas-bigas sa loob ng 3 araw. (kailangan palitan ng sabaw na kinababaran, sa umaga at sa hapon) sa ikaapat na araw, hugasan ang mga santol sa malinaw na tubig.

Mag-arnibal ng puting asukal. Ang sami ng asukal ay iayon sa dami ng mamatamisin na santol. Ang gawing takal - sa bawat isang puswelong asukal ay isang puswelong tubig ang ihalo (1 is to 1)

Kapag kumukulo na ang arnibal at lusaw na ang asukal, ilagay ang mga santol. pakuluan ng 5 minuto.

Hayaang nakababad ang mga santol sa arnibal ng buong magdamag.

Kinabukasan, muling pakuluin ang arnibal nang hindi kasama ang santol. kapag kumulo ay ihulog ang mga santol. Hanguin pagkaraan ng 3 minutong pagkulo. Iayos sa garapon ang mga santol. Huwag isama ang arnibal.

Muling mag arnibal ng asukal. sa bawat 2 puswelong asukal ay 1 puswelong tubig ang ihalo (2 is to 1) kapag kumulo na at lusaw na ang asukal ay ibuhos sa santol na nasa garapon.

Higpitan ang takip ng garapon (ang gamitin na garapon ay yung mga goma sa takip) Ilagay ang bote sa isang malalim na garapon. sapinan ng basahang malinis ang kaserola bago ilagay ang bote. Lagyan ng tubig nang kapantay ng garapon. pakuluan ng 15 minuto kapag ang garapon ay maliit, at 30 minuto kapag malaki ang garapon (1 quart).--124.6.181.42 07:51, February 15, 2014 (UTC)Italic text

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.